iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Alnadjir Hadjirul, 55-anyos, residente ng 5th Street, Purok Katarungan, RH5, Cotabato City.
Ayon sa otoridad, nagtatrabaho bilang Admin Aide 2 ng MBHTE BARMM ang biktima.
Binaril ito alas 9:00 kaninang umaga habang naglalakad sa labas ng kanilang bahay.
Base sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang umanong sumulpot ang mga suspek sa lugar at pinagbabaril ang biktima.
Narekober sa crime scene ang dalawang fired cartridge cases na pinaniniwalaang mula sa caliber. 45.
May pagkakakilanlan na ang mga otoridad sa isa sa mga suspek sa krimen.
Comments