Expanded B.I.S.I.T.A sa barangay program ng LGU Sultan Mastura, muling aarangkada sa Barangay Kirkir ng bayan, bukas
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamumuno ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura Sr., katuwang si Congresswoman Bai Dimple Mastura, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, kasama ang TINGOG Partylist at iba pang partner agencies, patuloy ang pinalakas at pinalawak na B.I.S.I.T.A sa Barangay Program ng LGU.
Bukas, December 18, 2025, tutungo ang Team B.I.S.I.T.A sa Barangay Kirkir upang maghatid ng iba’t ibang serbisyong direktang makikinabang ang mga residente.
Kabilang dito ang serbisyong medical, dental, eye at prenatal check-up, PhilHealth e-Konsulta, at mobile blood donation.
Hatid din ng programa ang mga serbisyong panlipunan at pangkabuhayan gaya ng issuance ng live birth certificate at cedula, real property tax services, tax amnesty information, pamamahagi ng binhi, school kits, food packs para sa senior citizens, PWDs at solo parents, pati na rin ang animal health services.
Kasama rin sa aktibidad ang Operation Tuli, feeding program, children’s activities, earthquake at fire drill, Buntis Caravan, at iba’t ibang paligsahan para sa komunidad.
Ayon sa mga tagapagpatupad, layon ng Expanded B.I.S.I.T.A na gawing mas mabilis, mas malapit, at mas ramdam ang serbisyo ng pamahalaan, lalo na sa mga barangay na nangangailangan ng agarang tulong at suporta.


Comments