Sangguniang Panlalawigan, nagbigay-awtoridad sa FY 2026 Annual Budget
- Diane Hora
- 19 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Unanimously na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Basilan ang Provincial Budget para sa Fiscal Year 2026 na nagkakahalaga ng ₱2,373,849,874 sa ginanap na 21st Session ng 17th Sangguniang Panlalawigan noong Disyembre 17, 2025, sa SP Hall, Provincial Capitol, Isabela City.
Pinangunahan ang sesyon ni Vice Governor Jim Hataman Salliman at dinaluhan ng mga miyembro ng sanggunian, pati na rin ng mga department heads ng pamahalaang panlalawigan.
Pinangunahan ni Board Member Nasser Salain ang paghahain ng Draft Ordinance No. 2025-23 na nagbibigay-awtoridad sa taunang badyet ng lalawigan para sa 2026, na matagumpay at unanimously na inaprubahan ng mga miyembro.
Kasama rin sa inaprubahang agenda ang PDC Resolution No. 02-2025, na nag-aapruba sa Annual Investment Program (AIP) para sa FY 2026, at ang PDRRMC Resolution No. 03-2025, na naglalaan ng 5% Local Disaster Risk Reduction and Management Fund na nagkakahalaga ng ₱118,692,493.70.
Nagpasalamat si Governor Mujiv Hataman sa Sangguniang Panlalawigan sa maagap at maayos na pagpasa ng badyet at tiniyak ang responsableng paggamit ng pondo para sa mas maayos na serbisyo sa mga Basileño.
Ayon sa gobernador, ang aprubadong badyet ay nakatuon sa pangunahing sektor tulad ng kalusugan, social services, imprastraktura, disaster preparedness, at iba pang pangangailangan ng lalawigan, na magsisilbing gabay sa implementasyon ng mga proyekto sa 2026.
Ayon sa Provincial Government ng Basilan, maglalabas ito ng detalyadong breakdown ng 2026 budget sa mga susunod na araw para sa transparency.


Comments