₱64.7-M, ilegal na droga at smuggled na sigarilyo nakumpiska; 20 suspek, arestado
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang dalawampung suspek at mahigit ₱64.7 milyong halaga ng ilegal na droga at smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa loob ng 24-oras na operasyon ng Philippine National Police.
Naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ang 12 most wanted persons na sangkot sa mabibigat na krimen, kabilang ang human trafficking, rape, at iba pang kaso.
Kabilang sa mga naitalang operasyon ang pag-aresto sa isang top wanted suspect sa Badiangan sa paglabag sa Republic Act No. 9208, gayundin ang pagkakahuli ng mga wanted suspect sa iba’t ibang lalawigan.
Sa kampanya kontra ilegal na droga, pitong high-value individuals ang naaresto at nakumpiska ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱14.317 milyon. Kabilang dito ang malawakang marijuana eradication operations sa Cordillera Administrative Region, partikular sa Benguet at Kalinga, kung saan libu-libong tanim na marijuana ang winasak.
Samantala, sa mga buy-bust operation sa Iloilo at Cebu, nasamsam ang mahigit 855 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱5.817 milyon, kasama ang ilang baril at bala.
Nasabat naman ang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱50.395 milyon sa Tarlac City at Siay. Isang suspek ang naaresto at nasa kustodiya na ng pulisya.



Comments