24-anyos na lalaki, arestado sa kasong theft; ninakaw na cellphone, nabawi
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng cellphone habang nasa inuman sa Barangay Anonang, Midsayap.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Jo”, 24 taong gulang, binata, construction worker at residente ng Libungan, Cotabato.
Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng inuman sa bahay ng complainant na kinilalang si alyas “James”, 17 taong gulang at residente na Barangay Anonang, Midsayap. Habang nasa labas umano ang biktima, sinamantala ng suspek ang pagkakataon at kinuha ang cellphone ng biktima.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.



Comments