top of page

PINALIPAT SA IBANG PAARALAN!

  • Teddy Borja
  • Jan 30
  • 2 min read

iMINDSPH


Nagtungo sa Cotabato City National High School - Main Campus si Mayor Bruce Matabalao matapos kumalat ang video online ang isang umano ay kaso ng bullying sa labas ng campus.



Sa ibinahaging impormasyon ng alkalde sa kanyang facebook post, nilinaw umano ng mga tatlong mag-aaral na nasa video na magkakaibigan silang tatlo at nag-aasaran lamang sila at hindi ito kaso ng bullying.



Ito ang video na ipinost sa facebook page ng Cotabato City idiots.


Makikita ang isang babaeng mag-aaral na umiiyak habang nakadiin sa gilid ng kanyang pisngi malapit sa bibig ang kamao ng isa pang mag-aaral na babae.


Tila nakaharang naman ang isa pa.


Kuha ito sa labas ng paaralan ng Cotabato City National High School Main Campus.


Sa post nakasaad na -


“Ang Pambubully ay isang seryosong isyu na kinakailangan ng atensyon at aksyon."


Nakasaad din sa post ang panawagan sa magulang ng mga bata na magtungo at makipag ugnayan sa pamunuan ng paaralan upang hindi na maulit ang insidente.


Kaninang umaga, tinungo ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang eskwelahan.


Sa ibinahaging impormasyon ng facebook page ng alkalde, bumisita siya sa paaralan matapos kumalat ang video online.


Sa post, nilinaw umano ng tatlong kabataang nasa video, silang tatlo ay magkakaibigan at nag-aasaran lamang ang mga ito at hindi ito kaso ng bullying.


Sa impormasyon mula sa CCNHS Main campus, sinabin ng pamunuan pinalipat ng ibang paaralan ang mga mag-aaral.


Dagdag sa impormasyon na Isinagawa ito ng paaralan para sa kanilang kaligtasan at di na maulit ang mga nakaraang issue nito sa mga paglilipatan nilang mga paaralan.


Nagpa-alala naman ang alklade sa institusyon at sa lahat ng paaralan sa Lungsod ng Cotabato na tutukan ang bawat kabataan, lalo na ang mga nasasangkot sa kaguluhan at ang mga nabibiktima rito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page