top of page

FISH VENDOR, BINARIL SA TAPAT NG KANILANG BAHAY SA ROSARY HEIGHTS 10, COTABATO CITY

  • Teddy Borja
  • Nov 26, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Binaril ang 40-anyos na fish vendor na kinilalang si Salem Gampong Abedin, 40 years old, pasado alas-8 kagabi.



Naganap ang pamamaril sa tapat mismo ng kanilang bahay sa Purok Pag-asa, Rosary Heights 10 Cotabato City habang kumakain ito kasama ang kanyang misis.



Tinamaan ito sa ibabang bahagi ng tainga at lumabas sa likod na bahagi ng kanyang ulo. Naisugod naman ito sa malapit na pagamutan.


Pinaniniwalaan naman ng pamilya na si alyas Penny ang salarin sa nangyaring pamamaril.


Narekober ang isang basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa kalibre .45 na uri ng baril.


Nakatakda naman itong isailalim sa Ballistic Examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page