top of page

Fish Vendor na Residente ng Pahamuddin, SGA, Natagpuang Wala ng Buhay sa Barangay Beta, Tubaran, Lanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Jan 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Natagpuang wala ng buhay ang isang 28-anyos na fish vendor sa Barangay Beta, Tubaran a-7 ng Enero.


Kinilala ang biktima na si Lahmudin Engcongan, residente ng Barangay Simsiman, Pahamuddin, SGA.


Ayon sa report ng Lanao del Sur Provincial Police Office, alas 2:30, a-5 ng Enero nangyari ang insidente pero a-7 ng Enero na ito naireport sa otoridad.


Ini-report ang pagkakatagpo sa wala ng buhay na biktima ng isang konsehal ng bayan matapos nitong matanggap ang ulat mula sa kapitan ng Barangay.


Ayon sa imbestigasyon ng otoridad, nagtitinda ng isda sa lugar ang biktima gamit ang kanyang motorsiklo nang barilin ito ng hindi pa kilalang salarin.


Inilibing diumano ng supsek ang biktima sa madamong lugar isang daang metro mula sa crime scene.


Dinala na ng mga kaanak ng biktima ang bangkay sa Marogong Lanao del Sur.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page