iMINDSPH

Hawak ng Philippine National Police si Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dumating ang dating Pangulo kaninang umaga sa NAIA Terminal 3 mula Hongkong kung saan sinamahan na siya ng otoridad palabas ng paliparan.

Agad idinerecho sa Villamor Airbase ang dating presidente at bantay sarado ang lugar.
Mahigpit din na minomonitor din ang kalusugan ng dating Pangulo.
Sa official statement ng Malacañang,
Kaninang madaling araw, natanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court o ICC.
Ika-9:20 ng umaga ngayong araw, 11 Marso 2025, nang dumating si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo sa Maynila mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.
Sa kanyang pagdating, ayon sa pahayag, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan.
Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno. Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.
Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.
Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan.
Commenti