top of page

Free Iftar at prayer mats, handog ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa mga pamilyang nagsilikas sa Barangay Takipan, Shariff Aguak

iMINDSPH


Kasunod ng hindi inaasahang gulo dulot ng mga armado sa Barangay Tapikan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.



Marami sa mga residente ang napilitang lumikas sa kanilang mga tirahan at manatili sa evacuation center ngayong buwan ng Rahamadan. Karamihan ay mga bata, mga babae at mga matatanda.



Upang panandaliang maibsan ang hirap na kanilang nararanasan ay nagbahagi ng Free iftar at mga prayer mats (Sajadan) para sa mga bakwit si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.



Ito ay bahagi ng pagpapadama ng pagmamahal at kalinga ng isang ina sa kanyang mga kababayan, higit sa lahat ngayong panahon ng pag aayuno at pag sasakripisyo.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page