GENERAL PROVISIONS NG PROPOSED BANGSAMORO REVENUE CODE, BINUSISI NG WAYS AND MEANS COMMITTEE NG BTA SA PATULOY NA DELIBERASYON NG KOMITE SA PANUKALA
- Diane Hora
- Dec 20, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Inisa-isa ng Ways and Means Committee ng BTA ang nilalaman ng general provisions na nilalaman ng Title I ng proposed Bangsamoro Revenue code, araw ng Huwebes, December 19.

Binigyang diin ni BTA Ways and Means Committee chair Paisalin Tago na mahalaga na malinaw ang pagkukunan ng revenue upang matiyak na mapopondohan ng maayos ang mga government projects sa BARMM.

Dagdag ni Tago, dapat matukoy ang sources ng revenue na magsisilbing financial backbone ng pagunlad ng rehiyon.

Ayon sa BRC ang revenue ay magmumula sa iba’t ibang sources base sa isinasaad sa Bangsamoro Organic Law. Kabilang dito ang mula sa annual block grants, gayundin ang shares sa kita mula sa exploration, development, at utilization ng natural resources sa land o water areas ng BARMM.

Kabilang din sa mg provisions ng proposed Bangsamoro Revenue Code ang para sa capital gains, documentary stamp taxes, donor’s taxes, at estate taxes, na nakasaad sa National Internal Revenue Code o NIRC.
Nakatakdang magpatuloy ang diskusyon sa panukala sa buwan ng Enero kung saan inaasahang tatalakayin ang ikalawa hanggang ika labing isang titulo ng proposed measure na may kaugnayan naman sa tax administration, incentives, at management ng revenues sa rehiyon.
Comentários