GOVERNOR BAI MARIAM SANGKI-MANGUDADATU, TINANGGAP ANG PARANGAL BILANG GOVERNOR OF THE YEAR MULA SA NATION BUILDERS AND MOSLIV AWARDS
- Diane Hora
- Nov 29, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ginawaran ng parangal bilang Governor of the Year ng National Builders and Mosliv Awards 2024 si Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kabilang naman sa tinaguriang Certified Most Sustainable and Liveable Province ang Probinsya ng Maguindanao del Sur.
Matatandaang noong November 14 ay nakatanggap din ng Seal of Good Local Governance o SGLG Award ang lalawigan ng MagSur, sa ilalim ng pamumuno ng gobernador.
Samantala, iginawad naman kay Board Member Bobby Midtimbang ang Board Member of the Year
Ang nasabing parangal ay iginawad sa mga natatanging lingkod bayan na nagpamalas ng kanilang galing at husay sa larangan ng Public Service.
Comments