GURO AT 4 PANG INDIBIDWAL, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA MARAWI CITY KUNG SAAN NASAMSAM ANG P3.4M HALAGA NG SUSPECTED SHABU!
- Teddy Borja
- Nov 25, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Kalaboso ang 42-anyos na school teacher na si alyas “Fats” sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Regional Office BARMM Regional Special Enforcement Team o RSET sa Barangay Rapasun, Marawi City, Lanao Del Sur, araw ng Biyernes, November 22, 2024.

Inaresto rin ang 4 pang kasama nito kabilang na ang isa 57-anyos na babae si Hania, 27-anyos na si Esmael, 20-anyos na si Fatah, at isang babae na menor de edad.

Nakuha ng otoridad sa operasyon ang 5 sachets na naglalaman ng mahigit kumulang 500 gramo ng suspected shabu na mayroong standard drug price na ₱3,400,000.00.

Nakuha rin ng PDEA BARMM ang buy-bust money, 5 mobile phones, identification cards at isang SUV.
Nakapiit na sa PDEA Jail Facility ang mga naaresto habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa RA 9165.
Itinurn over naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO BARMM Regional Special Enforcement Team (RSET) sa pakikipagtulungan ng Special Action Force BARMM, 1402nd Regional Mobile Force Battalion, Marawi City Police Station, at Department of Security Service at Mindanao State University.
Comments