iMINDSPH

Huli ang isang High-Value Target at nasamsam ang mahigit kumulang 45 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 306,000 pesos sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. East-Basak, Marawi City, Lanao Del Sur alas 11:00 ng umaga ng March 10,2025.
Sa report ng otoridad, Isinilid ito sa siyam na plastic sachets.
Narekober din ang buy-bust money at sasakyan.
Agad dinala ang naaresto at narekober na ebidensiya sa Marawi City Police Station para sa documentation at paghahanda ng kaso.
Comments