HINDI NA KAILANGAN NG AUTHORIZATION NG SP
- Diane Hora
- Feb 10
- 1 min read
iMINDSPH

Tinuldokan na ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang katanungan ng Sangguniang Panlungsod kung nasaan na ang 150 million pesos na pondo na dinownload ng BARMM Government sa lokal na pamahalaan sa ilalim ng Local Government Support Fund.
Binigyang diin ng alkalde na ang nasabing pondo ay hindi na nangangailangan pa ng authorization ng SP kapag ginamit ito para sa implementasyon ng mga proyekto dahil diniposito ito sa trust account ng government.
Comments