House Bill 8925 kung saan isa sa mga may akda si Bai Dimple Mastura, ganap ng batas matapos isulong ni Senator Robin Padilla sa Senado na ngayon ay ang Republic Act 12160
- Diane Hora
- Apr 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagmamandato sa agaran at wastong paglibing ng Muslim cadavers na naayon sa Islamic religious practices.
Ang Republic Act 12160 o ang "Philippine Islamic Burial Act," ay nilagdaan noong April 11 at na-upload sa Official Gazette a-21 ng Abril.
Bago naging ganap na batas, isinulong ito ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng kongreso kung saan authors ng proposed measure sina Bai Dimple Mastura, Mohamad Khalid Dimaporo, Mujiv Hataman, Munir Arbison Jr., Princess Rihan Sakaluran, Sittie Aminah Dimaporo, Dimszar Sali, Yasser Alonto Balindog, Zia Alonto Adiong, Mohamad Paglas, at Manuel Jose Dalipe
Noong Enero 21, in-sponsor ni Senator Robin Padilla ang House Bill 8925 sa plenaryo ng Senado, kung saan hiniling niya ang pansin at suporta ng kapwa senador
Comments