HOUSE BILL (HB) 11144 O ANG PANUKALA NA I-RESET ANG FIRST REGULAR ELECTIONS SA BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO (BARMM) SA MAY 2026, APRUBADO NA SA SECOND READING
- Diane Hora
- Dec 11, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pagpapatuloy ng debate hinggil sa House Bill 11144 o ang panukala na i-reset ang first regular elections sa Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 2026-
Inilahad ng ilang mambabatas ang kanilang nais maliwanagan sa isinusulong na panukala.
Binigyang diin naman ni Basilan Representative Mujiv Hataman na maraming beses nang naipagpaliban ang halalan sa rehiyon.
Matinding pinagdebatehan din ang naging pahayag ng proponent, Rep. Zia Alonto Adiong at tanong ni Rep. Hataman bilang paglilinaw sa pahayag ni Adiong na hindi extension ng BTA ang proposed measure.
Sa kanyang talumpati bilang co-author ng panukala, inihayag ni Rep Khalid Dimaporo ng Lanao del Norte na suportado niya ang panukala at ito ang kanyang mga inilatag na dahilan.
Sa kalaunan, lumusot din sa second reading ang panukala kasama ang mga amendments mula kay Rep. Hataman.
Kakailanganin ng COMELEC ng P852 million sakaling isagawa ang halalan manually habang tinatayang nasa P1.771 billion naman ang kakailanganin sakaling automated ito.
Sinabi naman ng proponent ng Bill, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang budget para sa BARMM elections ay isasama sa 2026 General Appropriations Act.
Comments