Huli ang 32-anyos na BIFF member, matapos isilbi ng otoridad ang warrant of arrest na may kinakaharap na kasong murder
- Teddy Borja
- 6 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa na ang operasyon ngayong araw, May 1, sa Barangay Midpandacan, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 15, 12th Judicial Region, Shariff Aguak, Maguindanao, na may petsa na December 17, 2020.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Ayon sa report ng General SK Pendatun Municipal Police Station na ibinahagi ng PNP PRO BAR, kumpirmadong miyembro ng BIFF-Karialan Faction ang suspek na nag-ooperate sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at iba pang kalapit probinsya.
Sangkot din umano ito sa iba’t ibang criminal activities, kabilang na ang pananambang, harassment sa military at PNP detachments, extortion, at gun running.
Kabilang din ang suspek sa E-Warrant System. Dinala na ang suspek sa GSKP MPS para sa documentation saka dinala sa CIDG Maguindanao PFU para sa booking procedures.
Comments