Job Fair at iba pang serbisyo, hatid ng MOLE BARMM ngayong Labor Day katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng PAGIBIG Fund
- Diane Hora
- 9 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagbabakasakali si Joy Maido na makahanap ng trabaho.

Isa siya sa daan-daang job seekers na dumagsa sa City Mall ngayong araw sa isinagawang Job Fair ng Ministry of Labor and Employment BARMM bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Labor Day.

Bukod sa job fair, hatid din ng MOLE ang Registration ng Bangsamoro workers association, Registration ng mga establishments, at notarization.

Mayroon ding Bangsamoro Internship Development Program, Registration ng mga Cooperatives, Free Business Registration, pamamahagi ng libreng gamot, Product Display ng FSL Beneficiaries, at Pag Ibig fund service.
Tema ng Labor day ngayon sa rehiyon, “Manggagawang Bangsamoro, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Bagong Pilipinas.”
Comments