top of page

Husky sa Surallah, South Cotabato kinagiliwan at pinabilib ang mga netizen nang mag-isa itong pumunta sa Veterinary Clinic

iMINDSPH



Ito ang video ng husky na si Bleu nang pumasok sa veterinary clinic sa Surallah South Cotabato, nang mag-isa!


Sa tuwa, inapload ng vet na si Lovely Eguia ang video, at hindi nito inaasahan na magba-viral ito.


Ayon sa veterinarian na si Lovely Eguia, malayo ang bahay ng nagmamay ari kay Bleu pero memorize na umano ng aso ang pagpunta sa clinic.


Hindi rin daw ito ang unang beses na nagpunta sa clinic si Blue nang mag isa, at kahapon, bumisita ito muli sa clinic.


Kinamusta ng newsteam si Bleu sa kanyang pagbisita muli.


Responsable naman ayon kay Vet Lovely ang fur parent na si Donabelle at updated ang mga bakuna nito.


Nasa ibang lugar ayon sa vet ang fur parent at sadyang nakalabas lamang daw ng bahay ang aso noong February 5.


Dahil out of town ang nag-aalaga sa aso, iba ang sumundo sa kanya sa clinic, mahinahon namang sumama si Bleu.

Kommentare

Mit 0 von 5 Sternen bewertet.
Noch keine Ratings

Rating hinzufügen

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page