top of page

IBA’T IBANG APPLIANCES AT GROCERY ITEMS, PAMASKONG HANDOG NG TIYAKAP DLS SA IBA’T IBANG SIMBAHAN AT CHAPEL SA MAGUINDANAO DEL NORTE

  • Diane Hora
  • Dec 16, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Bigas..

TV..

Plantsa..

Cellphone..

Electric Fan..

Rice Cooker..

Grocery items..

At iba pa..


Ito ang mga pamaskong handog hatid ng TIYAKAP, Dedikasyon, Lakas at Serbisyo o TIYAKAP DLS sa iba’t ibang chapel at simbahan sa probinsya ng Maguindanao del Norte.



Unang tinungo ng grupo ang San Vicente Ferrer parish sa Salimbao, Sultan Kudarat.



Nagpapasalamat naman si Father Mario Combong, DCC sa natanggap na tulong.



Parehong pamaskong handog din ang hatid ng TIYAKAP DLS sa San Isidro labrador parish, sa bayan ng Nuro Upi.


Gayundin sa Mother of Perpetual Help Parish sa Barangay Sarmiento, Parang.


At panghuli ngayong araw sa Saint Simon Episcopal church sa Lomboy, Awang, Datu Odin Sinsuat.


Ang hakbang ay bahagi ng isang mainit na pagbati ng pagmamahal at pagkakaisa ni elected Vice Governor Bai Ainee Sinsuat sa mga kapatid na Kristiyano sa Maguindanao del Norte.


Sa kabila ng pagkakaiba sa pananampalataya, ayon sa opisyal ang kabutihan at respeto ang patuloy na nagbubuklod sa lahat. Sama-sama aniyang ipagdiwang ang diwa ng Pasko—pagmamahal, kapayapaan, at malasakit para sa isa’t isa.


Nawa’y magdala ang Bagong Taon ng mas marami pang pagpapala, bagong pag-asa, at isang mas matatag na komunidad para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page