Iba’t ibang pasilidad, itatayo ng MBHTE sa Datu Odin Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kabilang ang bagong silid aralan at covered court
- Diane Hora
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Sisimulan na ng MBHTE ang pagpapabakod sa Sarilikha National High School, Taviran Elementary School, Linek Elementary School, at Margues Elementary School.

Itatayo na rin ang isang covered court na mayroong stage sa Margues Elementary School at sa Barangay Makir.

Magtatayo din ang MBHTE ng one-storey na may two-classroom school buildings sa Mumpong Elementary School at sa Sitio Linab, Barangay Bugawas.

Bukod pa ito sa Educational Learning Center sa Sitio Cawa sa nasabing barangay..

Magkakaroon na rin ng water sanitation project na may water source development sa Datu Pinguiman Elementary School.
Ang mga nabanggit na proyekto ay nagkakahalaga ng Php 32,561,692
Comments