iMINDSPH
Photos: Hadji Oping Ampatuan

Lumikas ang ilang residente ng Malingao, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kagabi matapos mamataan ang presensiya ng ilang armado sa barangay.

Sunod-sunod na lumabas mula sa barangay ang mga pamilyang lumikas, lulan ng payong-payong, kuliglig at iba pang sasakyan.

Ayon sa Maguindanao del Sur Provincial Police, walang nangyaring putukan sa lugar. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng grupo ng mga armado na namataan sa lugar.
תגובות