top of page

Imbestigasyon, ilulunsad ng BTA Blue Ribbon Committee upang mabigyang linaw ang mga alegasyon sa MBHTE BARMM

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nakarating na sa Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament ang mga alegasyon sa MBHTE BARMM.


Bagama’t nagbigay na ng opisyal na pahayag si Education Minister Mohagher Iqbal, magkakasa rin ng imbestigasyon ang komite in aid of legislation.


Ilang isyu na nais mabigyang linaw ng Blue Ribbon Committee ay ang mga diumano’y unpaid suppliers ng MBHTE.


Matatandaan na kumakalat online ang mga alegasyon ng pagpapalabas ng pondo ng ahensiya na hindi umano dumaan sa tamang proseso gayundin ang umano’y pakiki alam ng ilang kaanak ng ilang opisyal ng tanggapan sa implementasyon ng mga programa.


Pero mahigpit itong pinasinungalingan ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal.


Hinikayat rin ng Education Minister ang publiko at ang media na maging mapanuri at humingi ng paglilinaw mula sa concerned offices bago magbigay ng konklusyon base sa unverified reports.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page