Impeachment Court, pinadalhan na ng summon si Vice President Sara Duterte
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nag-isyu ng Writ of Summons ang Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte bagama’t pinagtibay ng Senado ang mosyon na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment.
Sa pag-isyu ng summon, binibigyan si VP Sara Duterte ng 10 araw, mula sa pagkakatanggap ng summon, na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Binibigyan naman ng 5 araw ang prosekusyon para sumagot sa tugon ni VP Sara.
Sa pagbabalik sa Kamara de Representante, hinihiling ng Impeachment Court na magbigay ng sertipikasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi nito nilabag ang probisyon sa konstitusyon na nagsasabing hindi pwedeng maghain ng higit sa isang impeachment complaint sa loob ng isang taon.
Hinihiling rin ng Impeachment Court sa 20th Congress House of Representatives na sabihing may intensyon pa rin silang ituloy ang impeachment laban kay VP Sara.
Sa naging botohan ng mga senator-judges, 18 ang sumang-ayon sa pag-apruba sa mosyon habang lima ang tutol kabilang sina Senator-Judges Koko Pimentel, Risa Hontiveros, Grace Poe, Nancy Binay, at Win Gatchalian.
Comentários