top of page

IMPLEMENTASYON AT REPORMA HINGGIL SA SHARI’AH JUSTICE SYSTEM SA BARMM, TATALAKAYIN NG JUSTICE SYSTEM COMMITTEE NG BTA SA PAGITAN NG ASSESSMENT TEAM NG SUPREME COURT SA 3 LINGGO NG ENERO 2025

  • Diane Hora
  • Dec 5, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Napagkasunduan ng Justice System Committee ng BTA Parliament sa dalawang araw na diskusyon at pagdinig ng komite sa Davao City ang pakikipagpulong sa assessment team ng Supreme Court at tatalakayin ang mga usapin hinggil sa implementasyon at reporma ng Shari’ah Justice System sa rehiyon.


Sa pagdinig, dumalo ang mga huwes mula sa Shari'ah courts, representante mula sa Office of the Court Administrator, at iba’t ibang ahensiya sa BARMM.



Nabigyan ng pagkakataon ang mga stakeholders na ilatag sa pagdinig ang mga hamon na kinakaharap sa kasalukuyang Shari’ah justice system at kung paano pa ito mapalakas at mapahusay.



Binigyang diin ni Committee Chair Jose Lorena ang kahalagahan ng pagtalakay sa mga usapin sa napipintong dayalogo sa pagitan ng Supreme Court’s assessment team para matiyak aniya ang patas at epektibong legal processes sa rehiyon.


Binuo ang Supreme Court's assessment team upang i-review kung epektibo ang Shari'ah courts sa buong bansa.

Kasama na sa magaganap na pulong sa Enero ng susunod na taon ang Shari'ah Courts, Bangsamoro Attorney General’s Office, Bangsamoro Planning and Development Authority, National Commission on Muslim Filipinos, at iba pang stakeholders.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page