Imprastraktura at agrikultura, mga pangunahing proyekto na binigyang diin ni South Cotabato re-elected Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa pulong sa pagitan ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento
- Diane Hora
- May 26
- 1 min read
iMINDSPH

Sabay na pinulong ni South Cotabato re-elected Governor Reynaldo Tamayo Jr, ilang araw matapos ang May 12 elections ang mga department heads at key staff ng Provincial Engineering Office at Provincial Agriculture Office ng lalawigan.

Tinalakay ng gobernador ang mga pangunahing proyektong nais nitong tutukan tulad ng imprastraktura at agrikultura.

Kabilang dito ang mga farm-to-market roads, pagpapatayo ng mga post-harvest facilities, silo storage, at iba pang hakbang na aniya ay magbabalanse sa supply at demand ng mga produkto sa lalawigan.

Hangad ng gobernador na mas maramdaman aniya ng bawat South Cotabateño ang tunay na pag-angat at pag-unlad ng kanilang lalawigan kabilang na ang mga magsasaka.
Ayon kay Governor Tamayo, sa pamamagitan ng tamang direksyon at konkretong aksyon, sisiguraduhin umano niya na maipagpapatuloy at mapapalawak pa ang mga programang makabuluhan at ramdam ng kanyang mga kababayan.
Commentaires