top of page

P1.5 billion shabu, natagpuan ng 10 mangingisda na palutang-lutang sa karagatan ng Masinloc, Zambales

  • Teddy Borja
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Natagpuan ng sampung mangingisda na palutang-lutang sa karagatan ng Masinloc, Zambales ang 1.5 billion pesos na halaga ng shabu.



Nakasilid sa sampung sako ang mga ilegal na droga laman ang 223 vaccum-sealed plastic sachets.



Natagpuan ito a-29 ng Mayo at itinurn over ng mga mangingisda ng Sisiman, Mariveles, Bataan sa awtoridad, a-2 ng Hunyo sa PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit, Bataan Provincial Office at Philippine Coast Guard o PCG Bataan.



Ang mga ilegal na droga ay tumitimbang ng 222.65 kilograms.



Pinuri naman ng PDEA ang mga mangingisda sa pagiging maagap at pagreport ng mga natagpuang ilegal na droga sa awtoridad.



Nararapat din ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez na bigyan ng pagkilala ang ginawa ng mga mangingisda.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page