Post Monitoring Activity, isinagawa ng Project TABANG sa South Upi, Maguindanao del Sur upang tiyakin ang wastong utilization ng mga gamot at medical implements sa mga benepisyaryo
- Diane Hora
- 1 hour ago
- 1 min read
iMINDSPH

Upang matiyak ang maayos na utilization ng gamot at medical implements na ibinibigay sa mga benepisyaryo, nagsagawa ng post monitoring activity ang Project TABANG sa bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur.

Isinagawa ito, a-3 hanggang a-4 ng Hunyo sakop ang tatlong key recipients ng assistance na kinabibilangan ng Rural Health Unit ng South Upi, Tri-People Agriculture Cooperative sa Barangay Lamud, at Looy Farmers Service Cooperative.

Nagkaroon din ng assessment sa effectiveness, relevance, at actual use ng mga ipinamahaging suporta at inalam kung nakamit ba ng assistance ang health at livelihood objectives.
Ang findings mula sa monitoring activity ay makakatulong umano para maging gabay sa mga interventions sa hinaharap upang tugunan ang pangangailangan ng mga underserved Bangsamoro communities at isulong ang core values ng Moral Governance.
Comments