Oplan Byaheng Ayoss 2025, ikinasa ng BLTFRB sa selebrasyon ng Aid’l Adha
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng Bangsamoro Land Transporation Franchising and Regulatory Board ang "Oplan Byaheng Ayoss: Eid’l Adha 2025".

Ito’y upang masiguro ang ligtas at maayos na pagbiyahe sa panahon ng pagdiriwang.

Sa ilalim ng pamumuno ni MOTC Minister Atty. Paisalin Tago, taunang isinasagawa ang “Oplan Byaheng Ayoss: Eid’l Adha 2025”.

Ito’y isang espesyal na operasyon na layuning tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at kaginhawaan ng mga pasaherong bumibiyahe sa panahon ng Eid’l Adha.
Nagsimula ang operasyon ilang araw bago ang opisyal na pagdiriwang ng Eid’l Adha, na isa sa pinakamahalagang pista ng mga Muslim, kung saan libo-libong mananampalataya ang inaasahang uuwi sa kanilang mga probinsya.
Isa sa mga pangunahing layunin ng Oplan Byaheng Ayoss ay matiyak na ligtas, roadworthy, at rehistrado ang mga sasakyang pampubliko na bumibiyahe sa mga lansangan ng rehiyon.
Kasama rin sa mga aktibidad ang pagpapaalala sa mga driver at operator hinggil sa tamang pasahe, maayos na pakikitungo sa mga pasahero, at pagtalima sa mga patakaran sa kalsada.
Comments