Inagurasyon ng bagong Police Station Building sa South Upi, pinangunahan ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo Macapaz
- Diane Hora
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

May bago nang Police Station building ang bayan ng South Upi, Maguindanao del Sur.

Pinangunahan ni PNP PRO BAR Regional Director, Police Brigadier General Romeo Macapaz ang inagurasyon ng gusali a-3 ng Pebrero.

Ito ay matatagpuan sa Poblacion Timanan, Barangay Romongaob.

Sinabi ng PNP PRO BAR mas mapapahusay pa ang kapabilidad ng South Upi MPS personnel sa pagbibigay ng mas maayos ng serbisyo sa komunidad sa bagong modern, accessible, at well-equipped facility.

Comments