INARESTO NG CIDG
- Teddy Borja
- May 21
- 1 min read
iMINDSPH

Hawak ngayon ng CIDG BARMM si South Upi incumbent mayor at kasalukuyang vice mayor-elect Reynalbert Insular.
Ito’y matapos isilbi ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang warrant of arrest laban sa alkalde hinggil sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder kaugnay sa pagkakapaslang sa dating Vice Mayor Roldan Benito ng bayan sa Brgy. Pandan, South Upi, Maguindanao del Sur noong August 2, 2024.
Ang warrant of arrest ay isinilbi kay Mayor Insular sa Making, Parang, Maguindanao del Norte araw ng Martes, May 20.
Kabilang sa sinampahan ng kaso ang maybahay nito na si Janet.
Nasa P200,000 ang piyansa na itinakda ng korte para sa frustrated murder at P120,000 para sa kasong attempted murder.
Wala namang piyansa na itinakda ang korte para sa kasong two counts of murder.
Sinisikap ng iMINDS Philippine na makuha ang panig ng alkalde hinggil dito.
Commenti