Inclusion hinggil sa Islamic Social Security Institution o ISSI, inirekomenda na mapaloob sa proposed Bangsamoro Revenue Code; usapin sa Islamic Finance Principles, tinalakay din sa muling pagdinig
- Diane Hora
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap muli ang Ways and Means Committee ng BTA Parliament sa pulong araw ng Martes hinggil sa panukalang BARMM Revenue Code.

Tinalakay sa pulong na magkaroon ng tax neutrality sa pagitan ng Islamic finance transactions at conventional counterparts.

Inirekomenda ang inclusion sa Islamic Social Security Institution o ISSI sa proposed bill na magbibigay ng economic at financil security sa mga qualified beneficiaries lalo na sa panahong magkaroon ng income loss.

Pinag usapan din ang Islamic finance principles tulad ng murabahah, o profit-disclosed sale; ijarah, o lease; salam, o short-term production finance; istisna’a, o long-term production finance; musharakah, o profit/loss sharing; mudarabah, o silent partnership; wakala, o agency; wadiah o safekeeping; at sukuk, o Islamic bond.

Sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, mandato ng Bangsamoro government ng magkaroon ng tax system na magsusulong sa promotes Islamic banking at finance.
Layunin naman ni Ways ang Means Committee Chair Paisalin Tago na makumpleto ang deliberasyon ng BRC sa susunod na Linggo sa Maynila.
Tinalakay din araw ng Lunes ng komite ang mga probisyon na may kaugnayan sa fees, charges, at national taxes sa BARMM
Pinangunahan ang pulong ni Deputy Speaker Omar Yasser Sema sa pagtalakay sa Title III, kung saan nakasaad ang fees at charges para sa economic at business services, regulatory at compliance services, gayundin ang social at public services.
Binigyang diin naman ni Deputy Speaker Sema na ang registration fee para sa service providers sa ilalim ng labor and employment services ay hindi babaguhin.
Tinalakay din sa pulong ang proposed framework para sa national taxes sa rehiyon kabilang na ang capital gains tax, documentary stamp tax, estate tax, donor’s tax, at corporate income tax.
Comments