INCORPORATION NG ISLAMIC FINANCE PRINCIPLES SA TAX SYSTEM NG REHIYON, HINIMAY SA PAGPAPATULOY NG DELIBERASYON NG WAYS AND MEANS COMMITTEE NG BTA SA PROPOSED REVENUE CODE
- Diane Hora
- Dec 19, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Binusisi at hinimay ang mga butil ng impormasyon kaugnay sa incorporation ng Islamic finance principles sa tax system ng rehiyon sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Committee on Ways and Means ng BTA sa Parliament Bill No. 286 o ang proposed Bangsamoro Revenue Code.

Sa deliberasyon ng komite araw ng Miyerkules, December 18-

Nilalayon ng hakbang na maging inclusive at competitive ang economic framework sa BARMM at maging balanse ang conventional at Islamic finance, at tiyak ang tax neutrality sa pagitan ng dalawang sistema.
Magiging kauna-unahan sa bansa ang pagkakaroon ng Islamic finance principles sa usapin ng murabahah o profit-disclosed sale, ijarah o lease, salam o short-term production finance, istisna’a o long-term production finance, musharakah o profit/loss sharing, mudarabah o silent partnership, wakala o agency, wadiah o safekeeping, at sukuk o Islamic bond-
Dahil na rin sa distinct cultural at religious setting ng rehiyon.
Matutugunan din ayon sa isang consultant hinggil sa Islamic finance na si Amanoding Esmael ang limited access sa Shari’ah-compliant financial products at services na mayroon ngayon ang rehiyon sa pamamagitan ng integration ng Islamic finance sa revenue system ng BARMM.
Tinalakay din sa nakalipas na deliberasyon ang usapin hinggil sa pag-institutionalize ng zakat o charitable giving, waqf o endowment at potential issues ng double taxation.
Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Paisalin Tago na naisama na ang mga probisyon na ito sa batas para matiyak ang maayos at patas na tax regime para sa lahat.
Ang Bangsamoro Revenue Code ang isa sa pito at huling priority codes sa ilalim ng interim government ng BARMM na hindi pa naisasabatas.
コメント