iMINDSPH

Sinimulan na ng Bangsamoro Parliament ang inquiry in aid of legislation kaugnay sa umano’y misuse ng Local Government Support Fund o LGSF.

Ang inquiry ay ikinasa kasunod ng inisyung memorandum ni BTA Speaker Pangalian Balindong na nag-uutos sa Blue Ribbon Committee at Committee on Local Government na magsagawa ng imbestigasyon kung paano inilaan ang pondo sa BARMM.

Binigyang diin ni Balidong sa memo nito na mahalaga ang transparency at accountability, at hinikayat ang dalawang komite na maglikom ng mga impormasyon, maghanda ng findings at magpanukala ng rekomendasyon.

Ang findings ng imbestigasyon ay isusumite naman House Committee on Public Accounts para mapagaralan muli.

Nakatutuok ang dalawang komite ng BTA Parliament sa pagtukoy kung mayroon bang naging iregularidad o misuse ng LGSF, at pagtiyak na inilaan ito para tulungan ang mga komunidad.

Sa ibinahaging impormasyon ng Bangsamoro Transition Authority, binigyang diin ni
Ubaida Pacasem, ng minister of Finance, Budget, and Management (MFBM) ang paglilinaw na LGSF ay laan para sa suportahan ang iba’t ibang development projects sa local communities.
Paliwanag ni Pacasem na ang LGSF ay naglalayon na tulungan ang local government units,kabilang na ang mga bagong tatag na bayan sa Special Geographic Area.
Inimbitahan ang MFBM at ang Office of the Chief Minister bilang resource persons para magbigay ng insights sa administrasyon ng pondo.
Magsusumite rin ang MFBM ng kaukulang dokumento sa komite para tulunga ang ito sa imbestigasyon.
Ipagpapatuloy ng komite ang inquiry sa susunod na linggo kasama ang Ministry of the Interior and Local Government (MILG), Commission on Audit (COA) at iba pang ahenisya.
コメント