IPRA Law, Ancestral Domain at mga kaso ng diumano ay pagpaslang sa mga residenteng Teduray sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, tinalakay sa pagdinig
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Ibinahagi ni Maguindanao del Norte Representative Bai Dimple Mastura ang pagdinig ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples sa implementasyon ng Indigenous Peoples’ Rights Act o IPRA Law sa Bangsamoro region.

Kabilang din sa mga usapin na hinimay ang ancestral domain at ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at ang di umano’y mga kaso ng pagpaslang sa mga kapatid nating Teduray sa lalawigan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Matatandaan na kinondena ni Sen. Robinhood Padilla ang sunud-sunod na pagpatay sa mga miyembro ng tribong Teduray sa Bangsamoro Region.
Ihinain ni Padilla sa Senado ang Senate Resolution 1203, kung saan ikinaalarma niyang umabot na sa 75 ang bilang ng mga napatay ng miyembro ng Teduray tribe.
Comments