IPSO FACTO RESIGNED | HINDI DAPAT I-APPOINT AT I-REAPPOINT
- Diane Hora
- Nov 26, 2024
- 3 min read
iMINDSPH

Nag-isyu ng Joint Position Paper ang BARMM Grand Coalition o BGC na binubuo ng Al Ittihad - Ungaya sa Kwagib Nu Bangsamoro o Al Ittihad-UKB, Serbisyong Inklusibo - Alyansang Progresibo o SIAP, at Bangsamoro People’s Party o BPP hinggil sa Senate Bill No. 2862 at House Bill No. 11034.
Laman nito ang kanilang paghayag sa isinusulong na Senate Bill No. 2862 ni Senate President Francis Escudero at House Bill No. 11034 ni House Speaker Martin Romualdez, kung saan nilalayon ng panukala na amyendahan ang Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law at ipostpone ang pagsagawa ng first regular elections sa BARMM mula sa dating petsa na May 12, 2025, isasagawa ito May 11, 2026.
Ibinahagi ng BCC sa kanilang position paper na sa ilalim ng Section 2 ng Senate Bill No. 2862 na sakaling maging epektibo na ang batas mag-aappoint ng walompong bagong miyembro ng BTA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang termino ng kasalukuyang BTA ay magiging deemed expired na pareho ding nilalaman ng Section 2 ng House Bill No.11034
Sa usapin hinggil sa SECTION 8, Article IV ng Bangsamoro Electoral Code of 2023 nakasaad na ang lahat ng nominees ng political parties na humahawak ng appointive o elective offices ay hindi kinokonsidera na resigned at hindi nag-apply ang one-year prohibition sa paghire o rehire sa mga ito sakaling hindi papalarin sa Parliamentary Election.
Sa ilalim naman ng SECTION 3, Article X, ng BEC of 2023, kung saan sinasabi naman na lahat ng Incumbent appointed members ng Bangsamoro Transition Authority na ang posisyon ay elective ay hindi deemed ipso facto resigned kapag naghain ang mga ito ng certificates of candidacy para sa 2025 elections. Maging ang mga Members of the Parliament na naitalaga sa posisyon sa gabinete at iba pang executive offices ay hindi rin deemed resigned.
Ayon anila sa isang pahayag ni Senate President Chiz Escudero, ang dalawang probisyon na ito ng BEC ay malinaw na paglabag sa Konstitusyon.
Sa posisyon ng BGC at kanilang proposed amendments ng BOL na dapat ipso facto resigned ang lahat kasalukuyang appointive ministers at members ng BTA na naghain ng COC o nominado ng partido para sa 2025 elections. Sakaling mag-aappoint ng bagong miyembro ng BTA, lahat anila ng kasalukuyang appointive members at ministers ng BTA na naghain ng COC o nominado ng political party para sa halalan sa BARMM sa susunod na taon ay hindi dapat i-appoint o i-reappoint sa parehong posisyon o iba pang appointive posts.
Inilahad din ng BGC sa kanilang posisyon hinggil sa pahayag ni COMELEC Chairman George Garcia na dapat maghain ng panibagong COCs at Manifestitation of Intent to Participate ang mga naghahangad ng parliamentary seat sakaling mapostponed ang BPE, maliban na lamang kung isasaad sa proposed law na mananatiling valid ang mga naunang naihain na COCs at MIPs
Para sa BGC wala na dapat bagong maghahain ng COCS, Manifestation of Intent to Participate, List of Nominees, Certificate of Acceptance of Nomination at lahat ng mga naunang naghain ay hindi dapat invalidated.
Ang kanilang panukala ay pagtiyak anila na ang electoral rules sa BARMM elections ay patas at naayon sa batas para maisakatuparan ang ninanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na peaceful at credible elections sa rehiyon. Naniniwala ang grupo na ang approval at inclusion ng mga nabanggit na amendments ang magbibigay buhay sa nasabing pangako.








Comments