KAMPANYA PARA TULDOKAN ANG KARAHASAN LABAN SA KABABAIHAN, PINALALAKAS PA NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG MAGUINDANAO DEL SUR
- Diane Hora
- Dec 4, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy na pinalalakas ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang kampanya para tuldokan ang karahasan laban sa kababaihan.

Sa 18-day Campaign to end Violence against Women o VAW, tinungo ng mga kawani ng Gender and Development ng MagSur ang komunidad ng mga Teduray sa Barangay Tomicor sa bayan ng Ampatuan.

Ipinaliwanag ni Provincial GAD Focal Person Nor-Eimman Balayman-Dalaten sa mga kababaihang Teduray sa lugar ang nakapaloob sa Republic Act 9262 o "Anti-Violence Against Women and their Children Act".

Kasama ng GAD sa nagpaunawa sa mga ito si Akrima Arap ng UNYPHIL Women kung saan tinalakay ang RA 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Early and Forced Marriage".
Naging mainit ang pagtanggap ng mga katutubong Teduray na aktibong nakinig at nakilahok sa nasabing programa.
Handog din ng GAD ang hygiene kits at food packs sa mga lumahok.
Hangad ng provincial government sa pagsusulong nito na mas marami pang mga kababaihan ang malalayo sa pang aabuso at pananamantala.
Comments