Kapitan ng Upper Siling, Buluan at kasama nitong BPAT member, nakaligtas sa pamamaril; 2 pang kasama ng mga biktima, patuloy pang pinaghahanap matapos harangin at paputukan ng mga armado
- Teddy Borja
- Jan 31
- 1 min read
iMINDSPH
Video: Kad Sipat
Nakaligtas sa pamamaril ang barangay kapitan ng Upper Siling, Buluan, Maguindanao del Sur at ang kasama nitong BPAT member. Pinaghahanap naman ang dalawa pang kasamahan ng mga ito. Sa report ng otoridad, hinarang ang mga ito ng mga armadong lalaki at pinaputukan.
Kinilala ang mga biktima na si Jayson Gaguil Tantong, 55-years old ang incumbent Barangay Kapitan ng Upper Siling, Buluan, Maguindanao del Sur.
Roger Rajahbuayan, 52-years old, isang BPAT member at isang alyas “Piping” at alyas “Panutan”
Naganap ang pamamaril ala 1:00 ng hapon, araw ng Miyerkules, January 30, 2025
Sakay ng tatlong motorsiklo ang mga biktima nang mangyari ang insidente.
Nakaligtas ang kapitan at BPAT member habang patuloy namang pinaghahanap pa sina alyas “Piping” at alyas “Panutan”.
Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng shell casings na pinaniniwalaang mula sa 5.56mm at tatlong motorsiklo.
Blanko pa sa ngayon ang otoridad sa pagkakailanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.
Commentaires