KAUNA-UNAHANG MUSLIM WOMAN SENATOR NA SI SANTANINA RASUL, PUMANAW NA SA EDAD NA 94
- Diane Hora
- Nov 29, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Sumakabilang buhay na sa edad na siyamnapu’t apat ang kauna-unahang Muslim Woman Senator na si Santanina Tillah Rasul.
Siya ay ipinanganak noong September 14, 1930 sa Siasi, Sulu.
Nagtapos siya bilang valedictorian sa Laum, Tabawan Elementary School sa South Ubian, Tawi-Tawi taong 1941 at first honor sa Sulu High School sa Jolo, Sulu taong 1948.
Nakamit nito ang kanyang Bachelor of Arts degree sa Political Science na cum laude sa University of the Philippines taong 1952.
Nakamit nito ang Masteral degree in National Security Administration sa National Defense College of the Philippines taong 1976 at doctoral units in Public Administration sa University of the Philippines taong 1978.
Pumasok siya sa public service nang maging Public school teacher sa Siasi at Jolo mula 1952 hanggang 1957 at naging technical assistant to the Office of the President of the Philippines sa Malacañang mula 1963 hanggang 1964.
Nahalal siya bilang barrio councilor sa Moore Avenue, Jolo, Sulu ng dalawang termino mula 1960 hanggang 1961 at mula 1962 hanggang 1963.
Mula taong 1971 hanggang 1976, nahalal ito bilang Provincial Board ng Sulu. Naging commissioner siya at kinatawan ng Muslim at iba pang ethics minorities mula 1978 hanggang 1987 at naging miyembro ng Board ng Ministry of Education, Culture and Sports taong 1986.
Taong 1990 itinalaga siya bilang Honorary Ambassador ng UNESCO sa International Literacy year.
Inihalal ito bilang Senador mula 1987 hanggang 1992 at mula 1992 hanggang 1995.
Bilang mambabatas, walong batas ang iniakda nito bilang Chairperson ng Senate Committee on Civil Service and Government Recognition at Committee on Women and Family Relations.
Siya ay kabiyak ni dating Ambassador Abraham Rasul.
Comments