Key leaders at decision-makers ng MOTC BARMM, nagpulong sa ginanap na EXECOM at MANCOM meeting kung saan inilatag ang strategic collaboration, review ng mga ongoing projects, at tatahaking direksyon
- Diane Hora
- Apr 23
- 1 min read
iMINDSPH

Hinimay ng MOTC BARMM sa isinagawang EXECOM at MANCOM meeting sa Davao City a-11 hanggang a-12 ng Abril ang strategic collaboration, review ng mga ongoing projects, at tatahaking direksyon ng ministry sa hinaharap.

Pinangunahan ito ni Minister Paisalin Tago.

Nakasentro sa key operational at usapin sa administratibo ang unang araw ng pulong kabilang dito ang diskusyon sa personnel services at COS personnel, workforce management at employment status.

Sinundan ito ng inventory of office assets para matiyak ang mabisang pamumuno at iba pang essential operational needs.
Inixamine din ang Project Procurement Management Plan ng ministry kung saan inayon ang acquisitions sa institutional objectives.
Sa pangalawang araw ng pulong, tinalakay naman ang budgeting, planning at infrastructure development kung saan hinimay ang ilang Bangsamoro Budget Preparation forms upang masiguro ang efficient financial documentation at compliance.
Pinag-aralan din sa pulong ang Information and Communication Technology (ICT) proposals na sumentro sa digital innovations at system enhancements para mapahusay pa ang operational efficiency.
Pinag-aralan din ang Infrastructure funding mechanisms tulad ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) at Special Development Fund (SDF) upang suportahan ang development projects at sectoral investments.
Sakop ng mga tinalakay sa usaping pinansiya ang 2023 extended fund at 2024 Budget Utilization Rate, guiding budget utilization at financial strategies para sa susunod na mga taon.
Comments