top of page

Kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng mga Local Government Unit sa BARMM, pinulong ng MILG sa ginanap na Peace and Order and Public Safety Plan o POPS-PLAN Planning and Writeshop para sa taong 202

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Nagtipon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng mga Local Government Unit sa BARMM upang makapagbuo ng Peace and Order and Public Safety Plan o POPS-PLAN para sa taong 2026-2028.



Ang POPS-PLAN Planning and Writeshop ay pinapangunahan ng Ministry of Interior and Local Government o MILG. Kabilang sa mga lumahok mula sa Cotabato City ay ang mga kinatawan mula sa City Public Safety Office, Cotabato City Police Office, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Office of the City Social Welfare and Development Officer at City Transportation and Traffic Management Center.


Tinalakay sa planning ang mga konkretong plano sa pagresolba ng iba’t ibang problema sa kapayapaan, droga, at pang-aabuso.


Kasama rin sa pulong ang bagong halal na bise alkalde ng lungsod at konsehal Johair Madag at Joven Pangilan na nagbigay ng kanilang suhestiyon base sa kanilang karanasan bilang public servant sa Lungsod ng Cotabato.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page