top of page

Kabataan Partylist, pinayuhan ng Malacañang na maghain ng panukalang batas kung nais talaga nilang ma-kontrol ng pamahalaan ang presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas

  • Diane Hora
  • 5 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagbigay ng payo ang Malacañang sa Kabataan Partylist na maghain ng panukalang batas kung nais talaga nilang ma-kontrol ng pamahalaan ang presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas. Ito ang ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.



Sa halip na magparatang, hinikayat ng Palasyo ang mga mambabatas na gamitin ang kanilang kapangyarihan sa paggawa ng panukala upang maglatag ng konkretong solusyon sa usapin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon pa sa report.



Pahayag ito ni Communications Usec Claire Castro, kasunod ng sinabi ng isang partylist na umano’y sunod-sunuran ang pangulo sa mga dambuhalang korporasyon, dagdag sa report.


Sa press briefing sa Malacañang, sinabi sa report ng Radyo Pilipinas na ipinaliwanag ni Usec Castro na hindi maaaring basta diktahan ng Pangulo ang galaw ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa umiiral na Oil Deregulation Law.


Ang presyo aniya ng langis, naka-depende sa galaw ng pandaigdigang merkado.


Dahil dito, kung nais aniya ng Kabataan Partylist na mabigyang kapangyarihan ang gobyerno sa presyo ng oil products, dapat itong idaan sa pagbabalangkas ng bagong batas.


Sa halip na magparatang, hinikayat ng Palasyo ang mga mambabatas na gamitin ang kanilang kapangyarihan sa paggawa ng panukala upang maglatag ng konkretong solusyon sa usapin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page