top of page

Php 760K halaga ng smuggled cigarettes nasamsam ng awtoridad mula sa inabandonang sasakyan sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte

  • Teddy Borja
  • 6 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang Php 760,000 na halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes matapos iwanan ng hindi kilalang driver ang isang SUV sa border checkpoint sa barangay Bauyan, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte araw ng Huwebes, June 26, 2025.


Bago ito inspeksyunin ng mga pulis, tumakas ang hindi pa nakikilalang driver, naiwan ang sasakyan at natuklasan ng mga awtoridad ang iba’t ibang klase ng smuggled cigarettes at cellphone.


Dinala ang mga ipinuslit na sigarilyo sa Municipal Police Station ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte para sa safekeeping at inaasahang i-turn over sa Bureau of Customs sa Iligan City para sa kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page