top of page

Lalaki, arestado sa Kapatagan, Lanao del Norte dahil sa pagdadala ng baril ng walang kaukulang dokumento

  • Teddy Borja
  • 10 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa Kapatagan, Lanao del Norte -


Arestado ang isang lalaki dahil sa pagdadala ng baril ng walang kaukulang dokumento.


Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na si alyas "Vin", binata at residente ng Bauyan, Lanao Del Norte dahil sa paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms & Ammunition Law.


Narekober mula sa suspek ang isang unit ng caliber .9mm pistol na walang serial number at isang magazine na puno ng anim na bala, alas 3:00 ng hapon, araw ng Huwebes, June 26 sa Purok 13, Poblacion ng bayan.


Walang naipakitang legal na dokumento ang suspek.


Pansamantalang nakakulong ang naarestong suspek sa Kapatagan MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 10591 o The Comprehensive Firearms & Ammunition Law para sa inquest sa Office of the Provincial Prosecutor.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page