Pulis, patay sa Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat, matapos barilin ng kanyang biyenan sa gitna ng mainit na pagtatalo
- Teddy Borja
- 14 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ang pulis ay 37 years old at may ranko na Police Staff Sergeant. Ang biktima ay nakadestino sa Pres. Quirino Municipal Police Station.
Ayon sa imbestigasyon bago ang insidente nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay at nag agawan ng baril.
Nakuha ng misis ng biktima ang baril na ayon sa imbestigasyon ay ibinigay ito sa kanyang ina.
Dagdag sa imbestigasyon ng awtoridad, nagtungo sa garahe ang biktimang pulis habang nagpatuloy sa pagtatalo.
Sinabi sa report na binaril umano ang pulis ng kanyang biyenan na babae sa likod.
Naganap ang insidente base sa report ng pulisya, alas 10:39 ng gabi, araw ng Miyerkules, June 25.
Nasa kustodiya na ng Pres. Quirino PNP ang suspek para sa tamang disposisyon.
Comentários