top of page

Kinatawan ng US Embassy at may-ari ng lupa, kalabaw at palayan sa Malatimon kung saan bumagsak ang eroplano na kinontrata ng US Department of Defense, lumagda sa kasunduan upang matulungan ang mga ito

iMINDSPH



Sa ibinahaging mga larawan at impormasyon ng 601st Infantry (UNIFIER) Brigade, na pinamumuno ni Brigadier General Edgar Catu, a-9 ng Marso-



Sinaksihan ng pamunuan ang isinagawang pag-uusap ng US Embassy representatives at ang barangay kapitan ng malatimon Sherad Malang kasama ang pamilya ng may-ari ng lupa at kalabaw na namatay dahil sa hindi inaasahang pagbagsak ng isang pribadong eroplano sa Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur, a-6 ng Pebrero.



Ayon sa post ng 601st Brigade, nagpahayag ng saloobin ang bawat claimant na kinabibilangan ni Bainola Akan, ang nagmamay-ari ng kalabaw; Ali Lakiman, ang nagmamay-ari ng palayan; at Basit Akan, na nagmamay-ari ng lupa na pawang lumagda sa napagkasunduan.



Ayon sa isang representante ng US Embassy, idadaan sa proseso ang napagkasunduan upang matulungan ang pamilyang nagmamay-ari ng lupa at kalabaw.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page