Kumakandidatong konsehal sa Northern Kabuntalan, patay sa pamamaril sa Midsayap, Cotabato Province
- Teddy Borja
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Nasawi sa pamamaril si Jerry Beltran Dofredo, isang magsasaka, matapos barilin ala 5:35 ng hapon, a-18 ng Enero sa Purok 4 Central Katingawan, Midsayap, Cotabato.
Ayon sa otoridad, kumakandidatong konsehal sa Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte ang biktima, batay sa salaysay ng anak nito.
Sa ngayon, blanko pa ang otoridad sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin.
Comments