Itinatayong Datu Abdullah Sangki As-salam Morque sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, salamin ng pagpapaigting at pagpapalakas ng pananampalatayang Islam ng bawat mamamayan sa bayan
- Diane Hora
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa post, ang moske ang tinatayang isa sa pinakamaganda, world class at pinakamalaking Masjid sa buong probinsya, maging sa buong rehiyon ng BARMM.

Isa ito ayon sa post sa mga pinagmamalaking establisyimento sa buong probinsya na naitayo sa inisyatibo ng Inang May Malasakit sa Maguindanao Del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na pinagpatuloy ni Mayor Suharto Al Wali Mangudadatu.

Ito ay isa anila sa salamin ng pagpapaigting at pagpapalakas ng pananampalatayang Islam ng bawat mamamayan ng nasabing bayan maging sa mga karatig bayan nito.

コメント