top of page

Miyembro ng isang organized crime group, patay matapos umanong manlaban sa otoridad sa ikinasang joint law enforcement operation sa Barira, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • 11 hours ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Nasawi ang isang notoryus na suspek na kasapi ng organized crime group matapos umanong manlaban sa isinagawang joint law enforcement support operation ng mga awtoridad sa Sitio Dulayap, Barangay Panggao, Barira, Maguindanao del Norte, alas-5:00 ng umaga, a-5 ng Mayo


Kinilala ni Lt. Col. John A. Dela Cruz, Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team-2 (MBLT-2) ang nasawi na si Kamlon Manardas Ragundo, 34-anyos at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa ulat, isinilbi ng Criminal Investigation and Detection Group – BARMM ang warrant of arrest laban kay Ragundo at sa pito pang kasamahan nito dahil sa iba’t ibang kasong kriminal na kinahaharap ng kanilang grupo.


Katuwang ng CIDG BARMM ang mga tauhan ng MBLT-2.


Habang papalit umano ang operating team sa bahay ng target personalities ayon sa report ng 6th ID ay pinaputukan umano ang mga ito kaya napilitan umano na gumanti ng putok ang otoirdad.


Sa gitna ng engkwentro, ayon sa report ng Kampilan Division, tumakas umano ang iba pang mga suspek at naiwan ang bangkay ni Kamlon Ragundo sa pinangyarihan ng insidente.


Naghagis pa umano ng granada ang mga suspek habang papatakas. Narekober sa lugar ang dalawang M16A1 rifle, mga magasin, dalawang granada, at mga bala.


Ayon kay Brig. Gen. Romulo Quemado II, Commander ng 1st Marine Brigade, ang grupo ni Ragundo ay matagal nang sangkot sa iba’t ibang kriminal na aktibidad kabilang na ang gun-for-hire, robbery with violence, at kalakalan ng ilegal na droga.


Aniya, ang mga gawaing ito ay matagal nang nagdudulot ng pangamba sa mga mamamayan ng Barira, Matanog, Parang, Sultan Mastura, at Buldon sa Maguindanao del Norte, maging sa Cotabato City.


Samantala, pinuri ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang matagumpay na operasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page